Monday, June 28, 2010

ang hamon kay noynoy


sa darating na hunyo 30 ay manunumpa ang bagong presidente ng pilipinas.. si noynoy Aquino.. maraming ang naniwalang magiging mabait at matapat siyang president... ngunit tila may napansin ang iba.. malambot daw itong si noynoy (madaling madiktahan ayon sa ilan), baka maimpluwnesiyahan lang ng mga matatandang politiko sa bansa at hindi makagawa ng sariling desisyon para sa ikakabuti ng bansa. malaki ang hamon sa administrasiyon ni noynoy: uhaw ang pilipino sa pagbabagago... sana ay magawa niyang mapatunayan ang "maling akala" (?) ng iba. patunayan niya na kaya niyang maging matatag at di papadikta kung kanino man pero mas higit na importante na pagpapaunlad ng estado ng buhay ng ordinaryong pilipino. si noynoy ay hindi si ninoy at cory... pero sana ang kanyang agenda ay higit pa sa hindi pagigigng corrupt, sana ay mas mapagtuunan niya ang tunay na pagunlad ng bansa. crirtical ang unang 100 araw niya sa opisina, ang higit pa sa 13 million na naniwala sa kanya ay magbabantay sa kanyang mga hakbang gagawin.. patnubayan ka nawa ng Poong Maykapal Presidente Aquino.

No comments:

Post a Comment