Ironically, not just about opinions. Everything under sun. Anything that picks up my interest and curiosity. Anything I think worth writing about. Anytime I am in a writing mood. ;-)
Monday, June 28, 2010
muni muni sa bansa
minsan ako'y napadaan sa isang tahimik na recto avenue, sarado na lahat ng establishments... maunlad na nga ang pilipinas, sumasabay sa modernong panahon. pero kung iisipin modernisasyon ba ang sukatan ng pag-unlad? nagbaliktanaw ako sa lumang panahon ng manila sa internet, may isang bagay akong napansin. mas maganda ang panahon noon, pantay ang antas ng buhay..ngayon, moderno nga ang paligid, maganda ang "infrastructure" kuno, maraming "foreign investment", ngunit tila napabayaan ang mas importanteng bagay na ito: estado ng buhay ng ordinaryong pilipino. kapalit ng modernisasyon na tinatamasa natin at nakikita sa paligid, napabayaan ang estado ng buhay. ang ordinaryong pilipino na maaring maunlad kung 1940's o panahon ng kastila ngayon ay napabayaan at naiwan sa lusak. tila ba hindi naging maganda ang binigay na kalayaaan sa atin upang hawakan ang bansa...tila lahat ng pag-unlad ay nakasalalay lamang sa iilan. nakalulungkot isipin... di mo din masisi ang ilan kung mawalan ng pagasa sa ating bansa.. dahil ang tila ipinagmamalaking pagunlad ay di maiparamdam sa ordinaryong pilipino...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment